Miyerkules, Setyembre 23, 2015

TAG-ANI - Isang Pluma Muli Para sa Artist Playground

Matapos ang isang matagumpay na pagtatanghal ng Riddle of the Sphinx, ay muling nagbabalik ang Artist Playground Inc., sa The Little Room Upstairs kung saan itinanghal ang Tag-Ani.


Ang Tag-Ani ay isinulat ni Amelia Lapena Bonifacio na kung saan pinapakita ang pag-ibig sa mga mata ng mga taong nasa ginintuang taon na ng kanilang buhay.  Itinatampok sina Ermie Concepcion at Ces Aldaba, mga batikang actor sa mundo ng pag-arte, na kanilang pinamalas na kahit ikaw ay nasa ginintuan yugto na ng iyong buhay ay pwede ka pa din umibig at mag mistulang bata kung dumiga ngunit ang masaklap na katotohanan ay sadyang kailangan tanggapin  . . . na may mga nagmahal ng lubos at sadyang nawala sa kanila ito at mayroon din na hindi pa nakakaranas ng pag-ibig.  OO, eto ay isang trahedya-comedia, na may halong romance

Nakakaaliw panoorin ang mga nagsipaganap sa kadahilanang walang halong pilit ang kanilang pag arte.  Sila pareho ay nasa edad na batid ng may akda at marahil naiintindihan nila ang mga nuances na sinasabi sa kanilang karakter.  Batid ng manonood na dati ng nagsama sa entablado ang dalawang actor dahil meron na silang rithmo sa isa’t isa.  Ang kanilang batuhan ng dialogo ay sadyang malinis – senyales ng kanilang katagalan na sa industriya ng paganap at respeto sa isa’t-isa.  Maigsi man ang pagtatanghal, nagawa pa din nitong bigyan ng kilig ang mga manood.  Ang estilo ng direksyon na ginawa ni Roeder Camanag ay simple.  Dahil sa respeto niya sa mga gumaganap, naramdaman niya ang lubos na tiwala mula sa dalawa sa mga kinikilos at bitaw ng mga dialogo nito.  Eto ang isang magandang collaboration sa pagitan ng artista at director.

Ang isang bagay na nakakatuwa sa produksyon na ito ay ang pagbigay o lagay ng spotlight sa mga artista na may edad na o tumanda na sa pag-arte.  Madalas sa hindi, mga bata ang nabibigyan ng mga primyado o lead roles sa  isang pagtatanghal at ang mga may edad na ay supporting roles na lamang.  Ang sarap isipin na dahil meron tayong mga piyesang tulad ng Tag-Ani, kung kaya’t nabibigyan natin ng sapat na papuri ang mga artista tulad nina Ermie Concepcion at Ces Aldaba.  Sila na patuloy na nagbibigay buhay at humuhubog sa kaisipan ng ilang kabataan na syang magpapatuloy ng apoy ng pag arte.


Dahil sa ganda na nagmumula sa isang simpleng pagtatanghal, hindi katakataka na nagkaroon pa ng isang linggong dagdag sa pagtatanghal ang Tag-AniKudos!

Mga ilang eksena sa dulang Tag-Ani:



















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento