Miyerkules, Setyembre 23, 2015

Ginugunita Kita: Isang Pagbabalik Tanaw at Pagdiriwang sa CCP

Mula sa The Little Room Upstairs, ay lumipad ang mga pakpak ng Artist Playground Inc., patungong CCP Little Theater o Tanghalang Aurelio Tolentino, kung saan ginanap ang isang pagsasariwa muli ng buhay ng isang masasabing musa sa larangan ng tula at pagpipinta – siya ay si Maningning Miclat.

Dahil sa Maningning Miclat Art Foundation at ng Artist Playground Inc., mula sa Aldaba Hall ng U.P. Diliman ay muling naisabuhay sa entablado sa pangalawang pagkakataon ang pagtatanghal na pinamagatang Ginugunita Kita – mga tula ni Maningning Miclat na nilapatan ng musika ng isang primyadong musikero na si Jesse Lucas.  Para bigyang dagdag buhay, ang boses ni Banaue Miclat-Janssen, kapatid, ang siyang kumanta sa pinagsamang likha na tula at musika.

Nagsimula ang pagtatanghal sa pamamagitan ng papuri at parangal sa mga nagsipagwagi sa taunang kompetisyon sa paggawa ng tula sa English, Filipino at Chinese; ang tatlong lengwahe na gamit ni Maningning Miclat nung sya ay nagsusulat pa ng mga tula.  Bilang panimula sa celebrasyon ng buhay, naroon at nagtanghal ang Kammerchor Manila.  Isang magaling na grupo at ang isa pang nakakadagdag ganda sa kanila ay ang pagkakaroon ng isang miyembro na may kapansanan!  Isang patunay na kahit na may kapansanan ka, basta ilagay mo ang iyong puso sa nais mo ito ay magagawa mo.  Mula sa parangal ay isang magandang transition ang inilapat ng director; ipinadama sa mga nagsipagdalo ang mga nagwaging tula sa pamamagitan ng isang makabuluhang pagbasa na ginawa nina Paul Jake Paule (Filipino), Alice Chang Chi (Chinese) at si Mailes Kanapi (para sa translation ng Chinese sa English at ang nagwagi sa English Category).  Mula sa pagbasa ay napunta tayo sa isang munting concerto – ang Ginugunita Kita.

Ang mga tao sa likod at harap ng Ginugunita Kita

Kung isa  ka sa mga nakapanood ng unang pagtatanghal nito sa Aldaba Hall Sa U.P. Diliman, marahil ay dama mo pa ang tindig balahibong pagtatanghal na ginawa noon nina Banaue, Jesse at ng iba pang kasama nila, kung kaya mahirap isulat ang pangalawang pagtatanghal na ito.

Hindi siya pangit.  Hindi siya mas maganda sa na unang pagtatanghal.  Iba sya.

Mas kontrolado ang pagkanta dito ni Banaue.  Mas madami ang visuals (hindi nakapagtataka kasi sa pagkakaiba ng Aldaba at ng A.T. Theater).  May bagong kanta (Shi Bu Shi); ang tula na unang isinulat ni Maningning sa Chinese. Mas may layo ang mga nagtatanghal sa mga nanunuod dito sa Little Theater.  Ang nasa cello ng gabing yun ay si Maestro Renato Lucas.  Maraming pinagkaiba ngunit eto ang higit na bumaon sa aking diwa.

Ang pagtatanghal noon sa Aldaba ay isang pagtatanghal ng pagtanggap at paglaya.  Isang pagsasara ng libro.  Ang naganap na pagtatanghal sa Little Theater ng CCP ay isang pagbubukas aklat at pagbibigay buhay sa nakaraan.  Yan ang nadama ko na pagkakaiba sa dalawang lugar na pinagtanghalan ng Ginugunita Kita.  Dalawang magkaibang pinaghuhugutan ng emosyon, dalawang magkaibang kadahilanan, iisang pinatunguhan – ang hindi mawala sa alaala si Maningning Miclat.

Maraming salamat sa Maningning Miclat Art Foundation at sa Artist Playground Inc., ay binigyan nyo ng diwa ang aming minsan na natutulog na katauhan.


Basahin ang aking naisulat na muni-muni, tungkol sa Ginugunita Kita album dito sa aking blog.

Larawan:
(Ang lahat ng larawan na ginamit ay kuha ko mismo nung pagtatanghal sa CCP Little Theater)

The Awarding:

Ang nagwagi sa English Category

Ang nagwagi sa Filipino Category
Ang Malikhaing Pagbasa ng Mga Nanalong Tula

Chinese Reading

English Reading

Filipino Reading
Ang Kammerchor Manila



Nag Ikalawang Bahagi ng Pagtatanghal - Ginugunita Kita

Jesse Lucas

Banaue Miclat-Janssen



Duet ni Rizal at Bracken



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento