Huwebes, Abril 2, 2015

Ang Mga Nagtapos - Sa Mundo ng Teatro

Sa pagtatapos ng mga mag-aaral ngayong 2015, marami ang  kaganapan na patunay ng nasabing okasyon.  Andyan ang mga commencement exercises kaliwa't kanan at mga promo para sa mga nagtapos.  Para sa akin, ang ginawang programa ng Philippine High School of the Arts (Makiling) ay syang napagandang patunay ng kanilang natutunan sa loob ng 4 na taon.

Tanghalang Huseng Batute ang lugar ng pagtatanghal, alas-10 ng umaga, araw ng Linggo.  Araw na kung kailan pinamalas ng mga nagtapos ang kanilang natutunan at kakayanan sa pag-arte.  Maraming salamat kay Orly Agawin, para sa imbetasyon.

Sa tulong ng grupong Dulaang Sipat Lawin, pinamalas nila ang kanilang talento sa pamamagitan ng pagsasadula ng dalawang 1-Act Play, ang Filipino adaptation ng gawa ni Akira Kurusawa Rashomon at Anton Chekhov's 3 Sisters.  Dalawang pyesa na puno ng complexia na kahit isang beteranong actor ay mapapaisip sa kung paanong paaran nya bibigyan buhay ang karakter na gawa nina Kurusawa at Chekhov.

Para kina Jerom Andrei Canlas, Alyssa Mae Herrera, April Jasmin Rosales at Jewel Tomolin, ang mga nagsipagtapos sa larangan ng teatro, binigyan nila ng buhay ang mga katauhan na ibinigay sa kanila na buo ang kanilang kaalaman.

Sadyang napakaganda nilang pannoorin dahil kahit na sila ay nasa edad na wala pang ganap na maturidad, ay nagawa pa din nilang gampanan ang mga katauhan ng buong puso. Isang patunay na may kinabukasan ang industriya ng entablado sa ating bansa.  Sa pinakitaang kakayahan ng mga kabataang ito, at kung ipagpapatuloy nila ang paglaki sa mundo ng teatro, makakaasa tayo ng magagandang interpretasyon ng mga karakter pang tanghalan sa mga darating na panahon.

Kahit na pabago-bago pa ang kanilang katauhan sa Rashomon, ay nagawa nilang maging malinis sa kanilang pagpalit katauhan - sa boses at kilos.  Pati ang pagpalit sexualidad ay naging malinis - isang mahirap gawin sa loob ng wala pang 10 minuto.  Totoo na marami pa silang "kakainin" para mas mapalago pa nila ang kanilang kakayahan sa pag-arte but sa palabas na iyon ay nakikita mo ang potensyal  na napakalaki kung ito ay ipagpapatuloy nila sa pagtanda.

Kung sa iba, maari nilang sabihin na hilaw pa sila sa paghawak ng mga piyesa na nababalot ng isang panahon (period piece), pero para sa akin, nagawa pa din nilang gawan ng naayon na paaran ang pagbigay buhay sa karakter at dialogo na isinulat ng mga batikang manunulat.  Naroon ang potensyal at ang puso sa bawat bitaw ng salita at kilos na pinakita.  Naroon din ang disiplina na syang importante para lumaki at magtagal sa mundo ng pulang telon.

Sadyang ninais ko na isulat ang latha na ito sa Filipino sa kadahilanang, ayaw kong maging technical sa pagbigay puna sa kanilang ginawa.  Nais ko lamang ipaabot sa lahat ng sumusuporta sa tanghalang pang entablado na hindi sila nagkamali sa pagbigay tulong at suporta sa mga darating pa na artista o katauhan sa mundo ng pulang telon.

Naway ipagpatuloy nyo ang inyong mga gawain at bigyang buhay ang inyong mga pangarap sa entablado na puno ng kwento at kulay.

Larawan:
(Ang mga larawan na ginamit ay personal ko na kinuha habang sila ay nagtatanghal sa Tanghalang Huseng Batute ng Sentro ng Pang Kultura ng Pilipinas - Cultural Center of the Philippines)

Jewel Tomolin

Jewel Tomolin


Jerom Andrei Canlas

Jerom Andrei Canlas at Jewel Tomolin

Jerom Andrei Canlas at Jewel Tomolin

Alyssa Mae Herrera

Alyssa Mae Herrera


Alyssa Mae Herrera (3 Sisters)

April Jasmin Rosales (3 Sisters)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento