Heto na ang hinihintay ng mga mambabasa
ng Lampara Books, ang ikatlong libro/bahagi sa buhay ni Moymoy Lulumboy, ang
batang aswang. Mula sa malikahaing
kaisipan nina G. Segundo Matias Jr. (may akda) at G. Jomike Tejido (may debuho),
muling nabuhay at ibinabahagi sa atin ang sapalaran sa buhay ng batang aswang
na si Moymoy Lulumboy.
Sa ikatlong libro na ito
patungkol kay Moymoy ay makikita natin ang kanyang muling pagpunta sa mundo ng
mga tibaro at ang paghahanap ng mga Ginto ng Buhay. Sa pagkakataong ito, maraming kaganapan ang
makikita sa buhay ni Moymoy – ang kanyang relasyon sa kanyang kapatid na si Alangkaw,
ang kanyang pagbibinata, ang mga realidad sa mga bagay-bagay at ang paghahanap
sa kanilang ina na si Diyosa Liliw.
Medyo makulimlim ang pasimula at pagtatapos ng ikatlong libro, isang
bagay na kapansin-pansin sa sinulat ng may akda. Ang pagkawala ng isang mahal o mahalaga sa
buhay at ang pagpapahalaga sa mga taong nasa paligid ay pinagtuonan ng pansin
sa kwento ngayon ni Moymoy. Dati na
itong napakita sa mga naunang aklat pa tungkol sa batang aswang pero ngayon,
iba ang bigat na pinadama ng may akda – isang bagay sa realidad na totoo at
dapat harapin ng isang tao maging ano man ang kanyang edad.
Ano ang nakakabighani sa ngayong
kwento? Una, si Alangkaw! Alam natin, sa mga masugid na sumusunod sa
buhay ni Moymoy, kung paano nagsimula ang kwento tungkol sa magkapatid. Ang pagkamuhi ay unti-unting naging
pagmamahalan at sa ngayon ay mas naging matatag dahil sa pinakitang aksyon ni
Alangkaw para sa kapatid at mga tao ng Gabun.
Ikalawa, ang kakaibang aspeto ng mga Ginto ng Buhay (ano pa nga ba ang
pwede niyang gawin?) at mga naging pangalaga ni Buhawan. Ikatlo, ang sikreto ng
mga Apo at ang pang-apat ang nawawalang pahina sa Liya na nasa pangangalaga ni
Ingkong Dakal.
Marami ang kaganapan sa ikatlong
libro. Gustong-gusto ko ngayon ang guhit ni Jomike! Very Saint Seiya inspired ang baluti nina
Buhawan at Moymoy! Ang usa – ang ganda ng kanyang debuho! Nakakatuwa at hindi nakakatakot ang itsura ni
Bungisngis. Maganda lalo ang naging
samahan nila Sir Jun at Sir Jomike sa librong ito! Ang pagpapakita ng habilin ni Marino kay
Moymoy ay napakatamang pagsasalarawan ng isang nasa isip ng
pinaghabilinan. Napakaganda ng gawa ni
G. Jomike! Saludo po ako sa inyo!
Nakakatuwang mabangit ni Sir Jun
ang National Museum bilang isang maaring daanan ng mga tibaro dahil para sa
isang active psychic, eto ay totoo. Ang
National Museum ay isa sa mga naitayong gusali sa Maynila na parte ng psychic
network ng siyudad. Yes, it is
true! The museum is a part of a vast
psychic net within the city of Manila, thus making it a key point or even a
portal for some. Hehehehe!
Muli ay natapos ko sa isang upuan
ang 3rd book. Hindi dahil sa
madali syang basahin bagkus ay napakaganda niya! Ang pacing ay tama at puno ng damdamin na
sadyang mananatili kang magbasa at tapusin ito.
Kung sakaling bibitawan mo ito, mapapabalik ka para basahin muli kasi “tatawagin”
ka nito (yes, it happened to me. I have
to grab it back and continue reading.); ganun ang mahika o diwani ng isang
malikhaing sulat. Nahuli mo ako Sir Jun! Ang galing ng bugtong mo! (get a copy of the book my dear readers.)
Makukuha nyo ang librong ito sa
Precious Pages. Pumunta lamang sa
kanilang mga pwesto sa ilang SM Malls at enjoy the art of reading Filipino made
stories! Let us support Filipino written
works and arts!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento