Lunes, Setyembre 30, 2019

BOOK THOUGHT: Moymoy Lulumboy, wakas(?)


Noong ika 13 ng Septyembre ng taong pangkasalukuyan ay prinisinta sa buong madla and bagong aklat ni Segundo Matias Jr sa SMX, sabay ng Manila International Book Fair – isang taunang evento na ginaganap tuwing buwan ng Septyembre – ang Moymoy LulumBoy Bk6 Ang Ugat at Propesiya.


Ika 6 na libro, 6 na kwento tungkol sa paglaki ni Moymoy, 6 na taon sinubaybayan, 6 na taong lumipas na nung ito ay unang pinakita sa mambabasang Pilipino.  Kay bilis ng panahon.  Mula 2014 hanggang sa kasalukuyan (2019) ay nabasa natin ang pakikipagsapalaran ni Moymoy bilaang isang tibaro (lamang lupa /engkanto) at buntawi (tao). Mula elementarya hanggang HS, mula sa pagkakilalang ampon hanggang sa madiskubre ang totoong pamilya niya, mula sa isa hanggang sa isa, eto ang nabasa natin at kinagiliwang estorya tungkol kay Benigno Bruce Lulumboy o mas kilala na Moymoy Lulumboy, ang batang aswang.  Nagsimula ang lahat sa pagpapakilala – Ang Batang Aswang (#1). Sinundan ng iba’t ibang kaganapan sa buhay niya  -  Ang Nawawalang Birtud (#2) at Ang Paghahanap Kay Inay (#3).  Naging madilim ang naging takbo ng kwento ni Moymoy sa pang 4 na libro, ang Mga Dulot Ng Digmaan na siyang nagsilbing pivotal point para sa pang 5 (Ang Lihim Ng Libro) at pang 6 (Ang Ugat at Propesiya) na libro.  Anim na libro na sadyang isinulat para sa kabataang Pilipino.  Anim na libro na nilagyan ng aral at mga gabay na maaring gamitin sa buhay ng kanyang magiging mambabasa.  Aksyon, drama, saya, lahat ay makikita sa seryeng ito na gawa ni Sir Jun na nilapatan ni Jomike Tejido ng angkop na drawing.

Maraming kaganapan na ang nangyari sa buhay ni Moymoy. Nakipaglaban na siya sa kung ano-anong klaseng engkanto.  Nakilala ang kakambal na dating kaaway.  Nakasama ang ina at naging isang masayang pamilya kahit na sa maiksing panahon (Bk5).  Naging kandidato at nanalo para maging APO ngunit minabuting manatiling isang anak ng Apo at tibaro na may taglaw na diwani (Bk 5 pa din).  Sa ika anim na aklat ay makikita naman natin ang buhay ni Moymoy sa mundo ng mga tao o Amalao.  Kung saan muling bumalik sa kalakhang Maynila si Moymoy para mag-aral at mamuhay ng tahimik.  Siya na lang, wala na ang kanyang Mama Tracy (Bk 4) at si Lolo Turing (Bk 5). Nanatili sa Gabun si Alangkaw (Bk 6) at tuloy ang paghihirap ng mga tibaro ng dahil sa bagong kadahilanan (Bk 6).

Maaaring tapos na nga ang buong serye sa ngayon, pero may mga pahiwatig ito na hindi pa tapos ang lahat sa kwentong Moymoy Lulumboy.  Pwedeng pahinga muna ika nga bago bibigyang buhay ang mga bagong kaganapan sa buhay.  Hindi ko masabi kung eto na nga ba ang wakas o eto ay isang pagwawakas lamang sa buhay pagkabata.  Ang mahalaga ay mayroong malikhaing utak na gumawa nito primarily para sa kabataang Pilipino ngunit damay na din ang mga mambabasang young at heart so to speak.  MARAMING SALAMAT SEGUNDO MATIAS JR!!
                                                                              ###     ###     ###

Related Links:

https;//icemagehigh.blogspot.com/2019/10/book-thought-mga-aral-na-makukuha-sa.html

https://icemagehigh.blogspot.com/2019/10/book-thought-listahan-ng-mga-karakter.html

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento