Poz, pusit, Pete, ibat-ibang
tawag pero iisa lang ang ibig sabihin; positive
with HIV. May sakit ka. May HIV
ka. Pag hindi mo inagapan ay maaaring
maging Aida. Yan ang isang katotothanan
sa mundo na ating ginagalawan. Hindi
lang yan nasa mundo ng mga bakla dahil hindi siya namimili – lalake, babae,
bakla, tomboy, top, bottom, bata, matanda, trans V o G ka man, walang pinipili
ang HIV.
Ang Mga Batang Poz ay
isinulat para mabigyan ng kamulatan ang mga young adult sa mga bagay na dapat
nilang bigyang halaga sa tamang pamamaraan at hindi ang reckless and aggressive
way of YOLO ( You Only Live Once). Apat
na karakter. Apat na katauhan. Apat na kwento ng buhay. Iisang bagong kalagayan
ang nagbuklod sa kanila. Sina Gab, Enzo,
Luis at Chuchay ang mga may kwento ngunit si Pete ang nagkwento – ang tamang
maglahad ng lahat tungkol sa naging buhay nilang apat.
4 na biktima, hindi ng sakit
kundi ng ibat-ibang kadahilanan sa buhay.
Isang biktima ng kahirapan. May biktima ng tradisyong nakagisnan. Biktima ng pagmamahal na wagas at salat.
Lahat sila hinarap ang mga balakid nila sa buhay sa paraang tinawag sila –
tawag ng laman. Nang dahil sa tradisyon,
ay namuhay sa dilim at takot. Dahil sa
kahirapan, tinukso at nadapa. Pagmamahal
na kapos kaya naghanap. Pagmamahal na binibigay ng totoo kaya nagsinungaling. At sa tapos nun ay nagkitakita sa iisang
kalagayan – ang pagiging positibo sa HIV, reactive kung babasahin sa resulta ng
test na ginagawa para malaman kung oo o hindi ang iyong katayuan. Bawat isang
kwento ay maari kang comonect ika nga.
Nasa iyo kung maiintindihan mo ang pinagdaanan ng bawat isa o labis ang
pagkakaunawa mo sa pinagdaanan ng isa dahil ito ay malapit sa sarili mong
kwento ng buhay. Kahit na ano pa man, ang
kadahilanan ng pagkakasulat nito ay iisa at totoo . . .ang lumalaking bilang ng
mga kabataan na nagkakaroon ng HIV sa ating bansa. Hindi ang pagiging bakla (tumigas na ata ang mga balat ng mga kafatid sa pananampalataya at
deadma na sa pagtingin ng ibang mapanghusga). Base sa huli kong nabasang statistical report
on those with HIV in the Philippines, nasa edad na 13 – 25 ang sumusunod na age
bracket na lumalaki ang HIV carriers, nangunguna ang age bracket na 25 – 35 (I may be wrong sa final age in each bracket
but the fact remains that young adults and teens are the one made victims of
this viral situation due to a good number of factors).
Sa librong Mga Batang Poz, walang
makakapaghinuha na magkakaroon ito ng twist
sa isa sa mga karakter nito. Para siyang
yung pelikulang Single White Female
in a way. Hindi dahil ginaya ang katauhan niya bagkus binuhay niya ang katauhan
ng iba sa kanya dahil sa guilt at pagmamahal.
Magaling na pag-iisip! Hindi ko
maisip sa sarili kung magagawa ko ba ito sa buhay kung mahal ko ba ang mamatay
– ang gawin ako na siya. Ang kwento ni
Chuchay at Luis ay masasabi nating common, noon at maging sa ngayon. Bilang isang may lahi sa dugong dumadaloy sa
katawan, naiintindihan ko ang dilemma ni Luis sa buhay. Nakikita ko din siya sa
mga mata ng mga closeta sa mundo ng LGBTQ.
Andito pa din sila, nagtatago, natatakot at nananatili sa dilim. Laki sa hirap ang peg ni Chuchay, isang bagay
na alam ko kasi pinagdaanan ko siya ng recent past. Hindi ko ginawa ang nasa kwento pero mapag-iisip
ka kung nasa kahirapan ka . . . kakapit ka ba sa patalim o bahala na si Batman? Obsession ang tamang salita sa buhay ni
Enzo. Kung hihimayin mo ang pagkatao
niya ay makikita mo na ang daming kadahilanan ang tumulak sa kanya para gawin
ang ginawa niya. Na-obsess na ba
ako? Kung may sinasabing “controlled obsession” yun malamang ako. Salamat sa faceted mind structuring!
Nakakatuwang basahin ang Mga
Batang Poz, bukod sa nakakaaliw na estilo ng pagkwekwento na ginawa ng
may akda ay may mga topic din siyang pinapatamaan at binabangit kasabay sa
pagtumbok sa usaping HIV-AIDS. Ang
usaping poverty na hanggang sa ngayon ay walang resolusyon sa mata ng
naghihikahos. Ang discovery stage na
pinagdadaanan ng lahat ng kabataan – ang napaka-kritikal na panahon sa isang
taong kinikilala pa lang ang sarili at ang maari niyang magawa. Usaping pagtanggap sa sarili, maging ano at
sino ka man. Sex na kinilalang taboo na
pag-usapan sa publiko ngunit pinag-uusapan sa dilim at bulung-bulungan. Ang ibat-ibang klase ng pagmamahal na hindi
mo maunawaan madalas pero lagi mong hinahanap at inaasam sa buhay. Ang usaping pagpapakamatay o suicide, na
ngayon ay unti-unting tumataas ang bilang sa ating bansa. Ang mundo ng social media na ngayon ay kumakain sa ating lahat, bata man o
matanda sa lipunan. Maaari mong basahin
ang libro sa gamit ang ibat-ibang angulo ng buhay at makita ang
pinanggagalingan nilang apat at sarili mo.
Sino ka ba kina Luis, Gab, Enzo
at Chuchay? Ako? Parte ni Luis, Chuchay, Gab at Enzo ang sagot
ko. May mga bagay sa buhay nila na
naiintindihan ko kung kaya dama ko ang pinagdaanan nila. Hindi ako poz o posit na sinasabi ngunit
naiintindihan ko ang stigma na sinaabi nila patungkol sa sakit na
HIV-AIDS dahil nagkaroon ako ng bacterial infection sa katawan na lihim na pinag-uusapan ng iba na baka daw HIV. Alam ko ang pakiramdam ng pinag-uusapan sa iyong likuran. Yung ikaw ay paghinalaan na makakahawa ka ng iyong sakit sa paraang mahawakan o sa hangin. Kaya ko ba magmahal tulad nina Enzo at Gab? Hindi ko alam. Siguro. Ewan ko. Hindi ko pa kung magagawa ko siyang muli dahil nagmahal na ako ng higit pa sa sarili ko na ako pa ang napahamak.
Masaya daw mabuhay. Masaya nga bang talaga o nagpaapakasaya ka lang? Nasa iyo kung sasagutin mo ito ng tapat o hindi pero ang alam ko, ipadama mo sa iba ang pagkatao mo matapos mo maunawaan ito ng malaman mo ang sinasabing saya sa pamumuhay. Poz ka man o hindi, iba ang namumuhay ng totoong may kasama sa buhay – mga taong tanggap ka bilang ikaw; walang paghuhusga.
Masaya daw mabuhay. Masaya nga bang talaga o nagpaapakasaya ka lang? Nasa iyo kung sasagutin mo ito ng tapat o hindi pero ang alam ko, ipadama mo sa iba ang pagkatao mo matapos mo maunawaan ito ng malaman mo ang sinasabing saya sa pamumuhay. Poz ka man o hindi, iba ang namumuhay ng totoong may kasama sa buhay – mga taong tanggap ka bilang ikaw; walang paghuhusga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento