Noong ika 13 ng Septyembre ng
taong pangkasalukuyan ay prinisinta sa buong madla and bagong aklat ni Segundo
Matias Jr sa SMX, sabay ng Manila International Book Fair – isang taunang
evento na ginaganap tuwing buwan ng Septyembre – ang Moymoy LulumBoy Bk6 Ang Ugat at
Propesiya.
Ika 6 na libro, 6 na kwento
tungkol sa paglaki ni Moymoy, 6 na taon sinubaybayan, 6 na taong lumipas na
nung ito ay unang pinakita sa mambabasang Pilipino. Kay bilis ng panahon. Mula 2014 hanggang sa kasalukuyan (2019) ay
nabasa natin ang pakikipagsapalaran ni Moymoy bilaang isang tibaro (lamang lupa
/engkanto) at buntawi (tao). Mula elementarya hanggang HS, mula sa
pagkakilalang ampon hanggang sa madiskubre ang totoong pamilya niya, mula sa
isa hanggang sa isa, eto ang nabasa natin at kinagiliwang estorya tungkol kay
Benigno Bruce Lulumboy o mas kilala na Moymoy Lulumboy, ang batang aswang. Nagsimula ang lahat sa pagpapakilala – Ang
Batang Aswang (#1). Sinundan ng iba’t ibang kaganapan sa buhay niya - Ang
Nawawalang Birtud (#2) at Ang Paghahanap Kay Inay (#3). Naging madilim ang naging takbo ng kwento ni
Moymoy sa pang 4 na libro, ang Mga Dulot Ng Digmaan na siyang nagsilbing
pivotal point para sa pang 5 (Ang Lihim Ng Libro) at pang 6 (Ang Ugat at
Propesiya) na libro. Anim na libro na
sadyang isinulat para sa kabataang Pilipino.
Anim na libro na nilagyan ng aral at mga gabay na maaring gamitin sa
buhay ng kanyang magiging mambabasa.
Aksyon, drama, saya, lahat ay makikita sa seryeng ito na gawa ni Sir Jun
na nilapatan ni Jomike Tejido ng angkop na drawing.
Maraming kaganapan na ang
nangyari sa buhay ni Moymoy. Nakipaglaban na siya sa kung ano-anong klaseng
engkanto. Nakilala ang kakambal na
dating kaaway. Nakasama ang ina at naging
isang masayang pamilya kahit na sa maiksing panahon (Bk5). Naging kandidato at nanalo para maging APO
ngunit minabuting manatiling isang anak ng Apo at tibaro na may taglaw na
diwani (Bk 5 pa din). Sa ika anim na
aklat ay makikita naman natin ang buhay ni Moymoy sa mundo ng mga tao o
Amalao. Kung saan muling bumalik sa
kalakhang Maynila si Moymoy para mag-aral at mamuhay ng tahimik. Siya na lang, wala na ang kanyang Mama Tracy
(Bk 4) at si Lolo Turing (Bk 5). Nanatili sa Gabun si Alangkaw (Bk 6) at tuloy
ang paghihirap ng mga tibaro ng dahil sa bagong kadahilanan (Bk 6).
Maaaring tapos na nga ang buong
serye sa ngayon, pero may mga pahiwatig ito na hindi pa tapos ang lahat sa
kwentong Moymoy Lulumboy. Pwedeng
pahinga muna ika nga bago bibigyang buhay ang mga bagong kaganapan sa
buhay. Hindi ko masabi kung eto na nga
ba ang wakas o eto ay isang pagwawakas lamang sa buhay pagkabata. Ang mahalaga ay mayroong malikhaing utak na
gumawa nito primarily para sa kabataang Pilipino ngunit damay na din ang mga
mambabasang young at heart so to speak.
MARAMING SALAMAT SEGUNDO MATIAS JR!!
### ### ###
Related Links:
https;//icemagehigh.blogspot.com/2019/10/book-thought-mga-aral-na-makukuha-sa.html
https://icemagehigh.blogspot.com/2019/10/book-thought-listahan-ng-mga-karakter.html