Mayo 29, 2018, Quezon City -
Mula sa Alay Buhay Party List,
isang maliit pero makasaysayang pagpupulong ang ginanap upang ipakilala ang
kanilang bagong boses ng mga Micro-Small-Medium Enterprises (MSME) sa pagkatao
ni Michael
C. Fermin.
Ginanap sa Max’s Restaurant na matatagpuan sa Sct. Tuazon sa
siyudad ng Quezon, ang pagpapakilala sa magiging unang representante ng party
list sa darating na halalan sa 2019 sa katauhan ni Michael C. Fermin. Naniniwala ang nasabing grupo na may angkop
na kakayahan at karanasan ang kanilang napiling maging representante na syang
magsisilbing boses ng grupo at ng mga negosyong nabibilang sa MSME na
kategorya.
Tubong Bulacan, si Michael C. Fermin ay isang
pinagmamalaki ng kanyang kinalakihang probinsya at bayan ng dahil sa kanyang 20
taon na servicio publico na nagsimula pa noong kabataan nya. Isang pamilyado at respetadong tao, hinahati
niya ang kanyang oras sa mga bagay na mahal at mahalaga para sa kanya. Sa ngayon, isa sya sa mga director ng Poro
Point Management Corporation sa La Union – isang grupo na namamahala na gawing
isang economic zone ang dating base militar ng mga Amerikano.
Sa pagpapakilala sa kanya bilang opisyal na representante ng
Alay Buhay, nasa kamay na ni Michael
C. Fermin na ipagpatuloy ang nasimulang gawain ng nasabing grupo. Naniniwala ang grupo na tunay ngang magiging
boses ng mga MSME’s ang kanilang napiling representante para sa 2019. Para kay Michael Fermin, ang pagbigay ng
angkop na kakayahan at suporta pinansyal ay hindi sapat para maitulak ang mga
maliit na negosyo sa pag-unlad kung kaya naniniwala siya na dapat ay mabigyan
din sila ng angkop na kaalaman sa pagpapalakad ng tama ng isang negosyo at
ano-ano ang nakalaan na tulong mula sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.
“Maraming programa an
gating pamahalaan para sa mga tao na nais magkaroon o magsimula ng isang
negosyo ngunit bihira lang ang nakakaalam at kumukuha nito. Bakit?
May problema ba sa proseso? Eto ang isa sa mga gagawin ko bilang boses
ng Alay Buhay Party List, ang maging
susi at tulay sa mga MSME’s sa mga nakalaan na programa at patakaranng
pamahalaan para sa kanila. Hindi sapat
ang bigyan na lamang sila ng kinakailangan kakayahan at panimulang pondo. Marami ng mga nasa pribadong sector ang
gumagawa nito alin sunod sa itinalaga sa kanila na pwedeng maging benipisyo
mula sa pamahalaan. Bakit ang mga
malalaking negosyo nagagawa nilang kumuha at gumamit ng ibinibigay na benepisyo
sa kanila ng gobyerno? Bakit ang mga
maliit ay nahihirapan? Tamang kaalaman sa inyong benepisyo ang
siyang magtutulak ng inyong mga munting kalakalan sa pag-unlad. Ang pagtulong ko sa mga MSME ay siya ring
tulong nila sa pamahalaan kung kaya makikita natin ang pag-unlad nila (mga
MSME) sa pag-unlad ng bayan.” – Michael
C. Fermin
Sa kanyang karanasan at nakuhang karunungan, hindi
mapagkakailang tama na maging boses ng mga MSME ng Alay Buhay Party List si Michael Fermin. Sa kanyang mga pananaw, lalawak ang mga
nakasanayang gawain ng mga tumutulong sa
mga MSME, hindi lamang ng kanyang grupo.
Asahan natin ang mga gagawin niya para sa ikauunlad ng mga munting negosyong
nangangarap ng malaki.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento