Miyerkules, Oktubre 7, 2015

Stage Review: Body Positive (+) at Hugot sa Rosas ng Ballet Philippines, Ang Paglipad Ngayong 2015!


Mula sa pinagsama-samang utak at puso sa pagsayaw, bilang pauna ng Ballet Philippines ngayong ika-46th na taon nilang pagtatanghal ay ang Body Positive (+) – isang pagtatanghal na tumatawag sa atin na maging masigasig dahil sa patuloy at nakakabahalang  pagtaas ng mga taong apektado ng HIV/AIDS ngayong 2015.

Samo’t saring pyesa ang pinagsama-sama para maibigay ang mensahe na nais ipahatid ng Ballet Philippines.  Dalawang pas de deux mula sa Swan Lake, Mark Bogaerts’ Bolero, Enrico Labayen’s Cloth, at iba pang pyesa na naging tatak na sa mundo ng pagsayaw/ballet at tumulong na magbigay mensahe sa nais iparating ng Ballet Philippines.


Mula sa dalawang linggong pagtatanghal ng Body Positive, isinara nila ang unang pagtatanghal sa pamamagitan ng isang muling –pagpapalabas ng isang produksyon mula sa BP2, ang Hugot sa Rosas.  Mula sa mga kanta ni Vince De Jesus’ Songs to Slash Your Wrist By, binigyan muli ng buhay ang mga ito sa muli nilang pagtatanghal noong Septembre 20.  Ang BP2, ay ang isang sangay ng BP na nabuo para mahasa pa lalo ang galing ng kanilang mga estudyante ayon sa panuntunan ng Ballet Philippines.  


Dito din ipinalabas sa unang pagkakataon ang isang video na pinamagatang, Where The Light Settles  - isang colaborasyon mula sa Ballet Philippines, Sindikato Productions, Alter The Native Films at Smashed Pumpkin Projects.  Eto ay isang munting palabas na nagpapakita sa pamamagitan ng sayaw at videography ang situasyon ng mga taong may karamdaman sa kaisipan.  Pinangungunahan nina Denise Parungao at Timothy Cabrera, layunin ng proyektong ito na maipakita ang iba't-ibang pamamaraan ng ekspresyon (sayaw, pelikula at musika)  na pinagsasama at maisawalat ang isang katotohanang nagaganap sa mundo ng mga taong nasa sinabing situasyon.

Ang aking opinion patungkol sa pagtatanghal:


Dalawang piyesa sa buong palabas ng Body Positive (+) ang kumuha ng aking atensyon, eto ay ang Barre at ang Cloth.  Ang Barre ay isang padamdaming pagsayaw ng na nagpapahiwatig ng pagtatalo sa loob at sa labas ng isang taong may HIV.  Ang pagpapakita ng paggamit ng barre na kung saan ang isang tao na may sakit na HIV ay parang nakasabit sa buhay kung inyong iisipin.  Ang Cloth na likha ni Enrico Labayen ay nakakakuhang pansin dahil sa musika na gamit nito.  Makabagong musika na nilapatan ng kilos na classical.  Isang istorya na pinapakita ang mala-sirkong pagmamahalan na nagaganap sa gitna ng mga taong umiibig- heterosexual o homosexual man ito.  


Maganda ang 3-part video na pinalabas noong Septembre 20.  Malinis ang mga kilos at ang musika ay talagang expressive kung baga.  Malinis din ang pagkaka-edit nito.  Isa lang ang medyo naguluhan ako, ang transition.  Para sa akin, may isa o dalawang eksena o frame na hindi sayaw ang siyang magbibigay ng mas klarong koneksyon sa lahat ng ito. Mistulang Ang Lee attack na symbolism ang dating; nakahiwalay pero kasama sa buong kwento.


Ang Hugot sa Rosas ay isang palabas na gusto kong panoorin muli!  Eto ay nagpapakita ng iba’t-ibang aspeto ng pag-ibig na nagaganap sa ating lahat.  Ang magmahal ng isang tao sa isang mas bata o nakakatanda sa kanya, ang pagmamahal na naging bato, ang pagmamahal ng isang duwag, ang pagmamahal na naging sakripisyo sa buhay . . . ang iba’t-ibang mukha ng pagmamahal.

Naluha ako habang nanunuod ng huling piyesa ng pagtatanghal na ito.  OO naramdaman ko ang emosyon na nagmula sa unang piyesa at isinasara ng huling piyesa!  Ang sakit, ang pait, ang pagmamahal na lumipas, at ang pagmamahal na hatid sa iyo ay katanungan at walang kasiguruhan.


Tama lamang na ang piyesa na kung saan mga kababaihan ang sumayaw (mga nakapaldang moreno) ang naging finale na numero kasi, sino pa nga ba mas magaling magpakita ng damdamin ng pagmamahal kundi ang mga kababaihan.  Maganda ang piyesa!  Madamdamin at pinapakita ang hina at lakas ng tao pagdating sa pag-ibig.

Ngayon ko naintindihan kung bakit nasabing Songs to Slash Your Wrist By ang pangalan ng album ni Vince De Jesus na syang ginamit na musika sa Hugot sa Rosas.  Noong una, ang nasa isip ko ay dapat Songs to Slash Your Neck By ang tamang titulo nito pero napagtanto ko na ang pag-ibig ay dahan-dahan ka nitong pinapatay.  Parang pagdaloy ng dugo sa iyong nilaslas na pulso, eto ay dahan-dahan na lumalabas.  Parang buhay mo na dahan-dahan ding nawawala sa iyong katawan.  Ganoon ang pag-ibig.  Dahan-dahan ka nyang papatayin hanggat wala ka ng maibigay.


Ang ika-46th na pagtatanghal ng Ballet Philippines ay naging isang madamdaming at puno ng mensahe na palabas!  Mula sa tawag na maging masigasig tungkol sa nakakabahalang pagdami ng mga taong may sakit na ng HIV, hanggang sa pag-ibig na syang isang dahilan din sa sinasabing dahilan ng pagdami ng mga taong apektado ng HIV (pag-ibig nga ba o libog??); muling lumilipad ang Ballet Philippines ngayong 2015 –  ang Pagsibol.

Mga Piling Eksena Mula sa Body Positive at Hugot sa Rosas
(Ang mga larawan na ginamit ay personal kong kuha habang na nunuod ng mga nasabing palabas)

Body Positive (+)































Hugot sa Rosas









Walang komento:

Mag-post ng isang Komento