Matapos ang Mabining
Mandirigma, eto na muli ang Tanghalang Pilipino para bigyang buhay sa
entablado ang isang dula na nakakuha ng pinakamataas na paranggal sa katatapos
lamang na Palanca Awards for Litereture –
Full Length Play Division 2015, ang Mga Buhay na Apoy ni Kanakan-Balintagos.
Sa pagkakataong ito, dalawang pagbabalik ang naganap sa
nasabing produksyon: ang pagbabalik ni Kanakan-Balintagos sa kanyang unang
mahal, ang teatro at ang pagbabalik sa entablado ng isang batikang actress na
si Irma Adlawan bilang Leda Santos. Dalawang nagbabalik, dalawang dahilan para
magdiwang!
Base sa aking obserbasyon, ang Mga Buhay na Apoy ay
isang dula na mailalagay sa kategoriyang melodrama. May hugot, oo, pero walang malalim na balon
na pinagmumulan. Eto ay isang
pagkwekwento ng isang sugat na hilom na, may closure na. Madaming conflicts ang ipinakita – ang pagtanggap
sa umalis na anak, ang kapatid na anak nyang tunay, ang dating nasa itaas
ngayon ay unti-unti ng bumababa, ang multiple
family issues, ang mga pinagdaanan, at ang paghanap ng mga kasagutan
patungkol sa paniniwala. Lahat ng ito ay
nakita sa loob ng entablado, sa buhay ng mga Santos – nina Leda, Aurora
Alba, Aran, Lili, Selmah at ang mga taong nakapaligid sa kanila.
Man VS Himself ang main conflict arc ng Mga
Buhay na Apoy – ang paghahanap kasagutan sa mga katanungan at ang
paghahanap kapayapaan sa sariling nakaraan.
Para sa isang 4-Acts Play, mabilis ang naging pacing nito. Walang eksena na hindi kailangan, walang
kaganapan na walang pinatunguhan.
Malinis ang mga transition, though may ilang eksena na medyo may shadow
o dilim (light plot o mali lang ang prop’s plotting?). Mahuhusay ang mga artista na napiling gumanap
sa dulang ito. Mula sa mga bida hanggang
sa mga support, walang tulak-itapon. Nakakatuwa ang gumaganap na Diwata o ang
espiritu ng Palaw’an. Ang kanyang mga
hakbang ay sadyang tama para sa isang nilalang na konektado sa mundo ng hindi
mortal; mga hakbang na parang hindi humahakbang. May mga terminologo na ginamit na hindi ako
pamilyar (have to brush-up my folklore
knowledge), pero sadyang inilagay ng may-akda para maisalarawan ang kanyang
pinagmumulan. Tulad ng sinabi ko kanina,
mabilis at malinis ang pacing at transition ng dulang ito, parang isang
pelikula kung maihahalintulad – isang maliwanag na patunay na ang personal na
kaalaman ng isang director o tao ay makikita sa kanyang (mga) gawa.
Aran at si Aurora |
Lahat ng ito ay nabigyan ng liwanag sa loob ng mundo na
isinulat at idinerehe ni Kanakan-Balintagos/Auraeus
Solito na ngayon ay binigyang daan sa entablado ng Tanghalang Pilipino.
Ang Mga Buhay na Apoy ay isang dula na
nagpapakita na ang pagtanggap sa mga bagay-bagay sa buhay ay magbibigay ng
hinahanap na katahimikan o kapayapaan. Nawa mahanap nyo din ang
katahimikan/kapayapaan na iyong nais tulad ng larawan na ipininta ni Aran na kung saan pinapakita ang kanyang
dalawang pamilya – ang mga Santos’ at ang mga nilalang ng Palaw’an, na
sama-sama at naging isa .
Maraming salamat Kanakan-Balintagos!