Lunes, Mayo 2, 2022

Wag Daw Si Leni, Bakit Nga Ba?

Bakit Nga Ba Wag Si Leni?

Sa dami ng nagaganap na usapan tungkol sa mga kumakandidato para sa pagkapangulo ano nga ba ang dapat mo malaman para makaboto ng tama? 

Una, ano ba ang hanap mo o ang ayaw mo?

art created by author


Madami nagsasabi na mahina ang babae. Napatunayan na ng dalawang dumaang pangulo na babae na wala naman daw nangyari na pagbabago. Panay coup de etat at pag aaklas lang. Magulo at mahirap pa din.  Teka, bakit nga ba ganoon ang mga nangyari? Isa-isahin natin.

Nang naging president ang yumaong Corazon C. Aquino ay kakagalling lang natin sa isang pamumuno na hindi kaaya-aya kung kaya nakilala ang bansa dahil sa People’s Power Revolution – No Violence Revolution.  Ibig sabihin, madami na ang may ayaw sa namumuno at nagaganap kaya pagbabago ang hanap.  Ibig pa din sabihin, madaming kailangang ayusin at baguhin.  Galing sa isang pamamahala na korupsyon ang nagaganap.

Nang panahon naman na nanungkulan si dating  president Gloria Macapagal Arroyo, galing tayo ULIT sa isang rebolusyon o ang kinilalang, People’s Power 2 na kung saan pinatalsik sa pwesto ang dating presidente na si Joseph Estrada.  Dahil sa lantaran at nagsusumigaw na korupsyon, kumilos muli ang mga tao ng isang demonstrasyon para bumitiw sa pwesto si Estrada.  Magulo ulit. May mga dapat ayusin.

Ngayon naman, madami ulit dapat ayusin dahil tayo ay nasa pandemya pa. 

     

Babae, bakit sinasabi na mahina ang babae? Kasi umiiyak? Kasi sabi ang lalake ang dapat kumikilos para sundin ng babae? Kasi ang ego mo ang nagsasalita?

Kung mahina ang babae, bakit nagagawa niyang pagdaanan ang 9 na buwan na pagdala ng isang buhay sa loob niya at iluwal ito? Kung mahina siya, bakit nagagawa niyang patakbuhin ang isang bahay ng maayos – may pagkain, maayos, may malinis na damit, alaga sa bata, gumawa ng pagkakakitaan at gawin ang tungkulin bilang asawa? Multitasking ika nga. Yan ba ang mahina? Para mo na din sinabi na ang ina, lola, tiyahin at kapatid mo na babae (kung meron man) ay mahina din.

art source: web


Lutang o lugaw daw si Leni o mas nakilala na Lenlen.

Lugaw kasi yun ang nakitang binibigay na paagkain sa mga nasalanta. Lutang kasi ang pamamaraan ng pagsasalita niya ay hindi tulad ng naririnig mo madalas, lalo na nitong nakaraang anim na taon.  

Aminin man o hindi pero aang lugaw ang isa sa simple NGUNIT masustansyang pagkain na meron tayo. Mabigat sa sikmura at sa konting materyales o ingredients ay magagawa mo makapagpakain ng isang grupo. Busog at nainitan ang sikmura.  Isang bagay na kailangan ng mga taong nasalanta.  Kahit ikaw, ang isang mangko ng timpladong lugaw ay mabubusog ka. Kung may sakit ka ay lugaw ang pinapakain, dahil madali itong lunukin at iprocess ng katawan na may dinadaing. Ano ba ang madaling iluto ng mga nasalanta, lugaw di ba?

Lutang kasi ang sinasabi ay mali-mali.

Mali-mali ba siya talaga o sadyang iba lang ang nadinig at intindi mo? Sa panahon ngayon na ang daming nagkalat na sabi-sabi (Age of Marites / Marites in the New Frontier) hindi katakataka na madaming napapaniwala sa sabi-sabi.

art source: net


Bakit nga ba wag si Leni??

Si VP Leni ang naupong bise president na nagawang maging alam ng madaming Pilipino na may malalapitan sila sa gobyerno at hindi lang ang kanilang LGU. Nagawa niyang ilunsad ang iba’t ibang proyekto pangkabuhayan (Angat Buhay) na kung saan ay naghahatid ito ng programang pangkabuhayan sa tulong na din ng ilang pribadong kompanya.

Andyan ang pabahay na proyekto na sinasagawa sa mga taong nawalan ng tirahan ng dahil sa bagyo o di kaya digmaan (Marawi 2017). Kasama sa Angat Buhay program niya ang pagbigay ng tamang training o dagdag kaalaman at kagamitan para sa ikauunlad ng kabuhayan ng mga mangingisda, naghahabi, magsasaka pati mga hindi nakapagtapos ng mataas na aralin.

Sa opisina niya ay madaming kwentong nagsasabi na suntok sa buwan lamang ang kanilang ginawang paglapit. Mga paghingi ng tulong na hindi inaasahan na mapapansin at bigyan sagot. Mula sa medical assistance to burial  pati na din para sa buhay ng komunidad.  Mga pagtawag na agarang nakakakuha ng sagot. Mas mabilis pa kaysa LGU na kanilang unang nilapitan. Isa na dito ang naging karanasan ng isang komunidad sa isang isla na sakop ng Palawan.  Walang kuryente at namumuhay lamang sa pagharvest ng seaweed. Pakitandaan na ang seaweed ay isang export item ng bansa.  Dahil sa opisina ng OVP, sa ilalim ni VP Leni Robredo ay nagawan na malagyan ng solar panels ang komunidad na yun sa isla kung kaya nagkaroon ng pagbabago ang kanilang pamumuhay at industriya.

Lahat ng ito na nababangit ko ay bago pa ang pandemic. Oo, bago pa ang pandemic ay kumikilos na ang OVP at si VP Leni na magbigay tulong sa mga tao, lalo na ang mga nasa laylayan.

Wag din natin kakalimutan ang mga agarang pag-abot  tulong niya sa mga nasalanta ng bagyo, iba pang natural disasters (Taal explosion at earthquake sa North Cotobato)at sunog.  Etong nailista ko ay mga bagyo noong kasagsagan ng pandemya (double disaster ika nga)

Typhoon Odette (2021)                                     Typhoon Rolly (2020)

Typhoon Ulysses (2020 Cagayan Valley)        Typhoon Vicky (Agusan del Sur 2020)

Lahat ng pagtulong niya ay naisagawa kahit na naging maliit ang budget ng OVP. Oo nga pala, hindi ko na sinama ang mga nagawa ng opisina niya nitong pandemic dahil mas maganda na makita  mo ang nagawa niya maliban doon.

Handa siyang makinig at unawain ang iyong sinasabi  kung kaya, kahit hindi na niya sakop, dahil hindi naman siya ang may gawa ng programang rehab sa mga biktima ng Typhoon Yolanda ay binigyan niya pa din ito ng pansin lalo na ng ito ay nasalanta muli. Dahil alam niya ang halaga ng bawat isang Pilipino.


created by author


Bakit nga ba wag  si Leni? Kung ang rason mo ay dahil lang sa mga nalaman mo na kwentong papasa sa usapang kutsero ay dapat magbasa-basa din ng iba pa. Kung ang rason mo ay dahil sa babae siya, ay isipin mo ang babae na nakapalibot sa buhay mo at baka dahil sa babae kaya ka buhay ngayon. Teka, baka naman babae ka kaya ayaw mo ng babae.

Kung ayaw mo sa kanya na nagtratrabaho, hindi ko alam kung ano ang hanap mo. Ang alam ko, minsan lang sa  buhay ang isang Leni Robredo na handang magsilbi sa bayan. Magsilbi ng tapat at handa kang itindig hanggang masabi mo ulit ng may yabang na ikaw ay PILIPINO.


**some of the images used were made by the author


#7DAYSGobyernongTapatBlogChallenge

#BloggersUniteForLeniKiko

#BakitSiLeniRobredo

#AngatBuhayLahat

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento