Isa sa kaugalian ng lahing Chinese ay ang pag obserba ng sinasabing Hungry Ghost Month Festival. Ito ay nagsisimula sa unang araw ng ika-pitong buwan ayon s a Lunar Calendar (HINDI GRECO-ROMAN CALENDAR). Tuwing Hulyo – Septembre ay ang sinasabing Petsa de Diablo na masasabi dahil sa panahong ito pinakakawalan ang mga kaluluwa ng yumao ng dahil sa aksidente, sakuna o sa kahit na akong hindi normal na mamaraan kung kaya hindi sila pwede pang mabuhay muli (reincarnation).
Ayon sa ilang pinaniniwalaang alamat sa Tsina, ang unang araw tuwing ika-7 buwan ay siyang kaarawan ng hari ng impierno, base sa Taoism, kung kaya binubuksan ang pintuan nito para magbakasyon ng pansamantala ang mga kaluluwa. Sa Buddhism naman, ito ay ang panahon na kung saan maaring magkaroon ng oportunidad ang mga buhay na tulungan ang mga kaluluwa na mabawasan ang kanilang panahon ng paglilinis. Dahil na din sa iisang lahi lang umiikot ang dalawang nasabing relihiyon, ang alamat ng isa at ng isa ay nagsama at siyang nakikitang kasanayan ngayon.
Sa paglipas ng panahon, ang dating sa mga Instik lamang ngayon ay binibigyang pansin na din ng ibang lahi tulad nating mga Pilipino. Lalo pa na tayo ay may sinasabing China Town sa Manila.
Ano-ano ba ang mga inoobserba patungkol sa Hungry Ghost Month Festival?
Para sa mga purong Intsik o di kaya Chinoy o nasama sa isang pamilyang Tsino, ang pag-alay ng isang meal (hindi lang isang putahe ito. Mula starter hanggang dessert.) ay ginagawa. Sa paglipas ng panahon ito ay naibaba sa dalawang minatamis (dessert) na alay – isang bagay na praktikal at hindi gaaanong magarbo. Bakit kailangan mag-alay ng pagkain? Kaya ito nasabing “hungry” ay dahil walang pagkain sa mundong kanilang kinalalagyan. Ang pag-alay ng pagkain ay isang pasabi sa kaluluwa na “ito ay bigay ko. Kung ikaw ay kakain nito ay wag mo kaming bigyan o gawan ng anumang kalokohan o kamalian”. Ito din ang isang dahilan kung bakit may nakikita kayong alay na pagkain sa puntod ng mga Tsino.
Wag papasok sa kung ano mang bagong usapin, gawain o endeavor. Dahil Hungry Ghost Month, hindi ito ang panahon na kung saan ang mga ninuno na gumagabay sa atin ang siyang umiikot. Ito ay mga kaluluwang hindi pa linis sa kanilang mga nagawang mali ng sila ay buhay pa. Mga kaluluwang maloko o may poot ito na masasabi. Ang pagpasok sa isang bagong gawain habang Ghost Month ay sinasabing maaring maging mabigat o di kaya ay maudlot dahil sa kagagawan ng kaluluwang mapagbiro o may galit.
Sinasabi din na bawal mlalabas ang mga bata, matatanda at buntis sa panahon na ito dahil maari silang paglaruan ng mga kaluluwang gumagala. Sa panahon na ito (pandemic due to CoVid-19) ay kainam-inam na sundin ito para na din sa pansariling kaligtasan.
Pag-aalay ng dasal. Ito ang isang bagay na lalong pinagpapatuloy sa panahong ito, ang pagdarasal. Sa mga Buddhist, ang pagdarasal na ginagawa ay para sa ikalilinis ng kaluluwa para ito ay umakyat ng antas. Pumapasok din dito ang pagsindi ng tamang dami ng incense pagkagabi, para wag gawan ng masama ng kaluluwang umaaligid sa mga panahong sakop sa Ghost Month.
Sa mga templo o plaza, may iba’t-ibang ganap na makikita. Isa na dito ang mga palabas patungkol sa mga diyos ng China. Ito ay isang paraan ng pagtawag pansin sa mga diyos na bigyang awa ang mga nasabing kaluluwa at bantayan ang mga buhay mula sa mga mapagbiro at mapagpoot na mga kaluluwa. Isa sa naging kaugalian dito ay ang pagsuot ng maskara na nakakatakot ang desenyo. – isang practice na nakikita natin tuwing Halloween na kinuha din naman ng mga Simbahang Katoliko sa mga druids.
*para sa mga practitioners tulad ko, ang pag-obserba ng sinasabing grace
period before and after the ghost month ay mahalaga. Ito ang sinasabing 3-5 days before and after
the Ghost Month. This is to make sure
that all the negative energy that is building up before the opening of the
Gates and closing are totally dissipated and that positive energies are at
flow.*
***
Kung ikaw ay Pinoy at nais mo lamang sumunod sa ugaling ito, ay wala namang masama doon sa aking pananaw lalo na kung ikaw ay may negosyo. Walang masama na sundin ito kung sa tingin niyo ay mas makakatulong ito sa inyong buhay. Pero kung ito ay susunod ka lamang dahil sa usap-usapan, ay masasabi kong mag-isip ka muna. Ito ay isang paniniwala na hindi madaling kalimutan lalo na kung ito ay magbibigay patunay sa iyong buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento