Tulad ng nasabi ko sa isa kong artikulo tungkol sa seryeng
ito na akda ni Segundo Matias Jr o mas kilala sa tawag na Kuya Jun, madaming aral ang inilagay niya sa kanyang gawa para
maging gabay sa estilo at pamamaraan ng pamumuhay. Sa pagkakataong ito ay
isusulat ko siya hindi quoted from the book pero dala niya ang isinasaad nito. Ang mga isusulat ko ay mga aral na para sa
akin ay mahalaga o kung saan ako nakakarelate ika nga.
Isa-isahin natin ito
ang 10 aral na makikita sa serye ni Moymoy:
- - Mahalaga ang pamilya. Kahit na mag-away man kayong magkapatid ay pamilya pa din kayo. Sa huli ay kayo pa din ang magkasama.
- - Ang kapangyarihan ay nakakalasing tulad ng alak. Tulad ng alak, sa tiyan lang ito hindi sa utak.
- - “Binigyan rin niya tayo ng kalayaang magpasya – ng kalayaang mamili. Isang bagay na ibinigay sa atin para maging malaya. Nasa atin na iyon kung papaano natin iyon gagamitin nang buong ingat.” – Freedom to choose and the responsibility that it entails.
- - Pagmamahal sa kalikasan.
- - Mangako ng tapat at hindi ng wagas.
- - Tandaan ang karapatang pangkabataan o the Rights of A Child.
- - For every action there is a corresponding reaction.
- - “Sa dakong huli, kabutihan ang mamamayani.” – may kabutihan sa bawat isa sa atin.
- - Wag mabulag sa pangpisikal na kagandahan.
- - Wag maging bully.
Related Links:
https://icemagehigh.blogspot.com/2019/10/book-thought-listahan-ng-mga-karakter.html
https://icemagehigh.blogspot.com/2019/09/book-thought-moymoy-lulumboy-wakas.html
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento