Sabado, Hunyo 2, 2018

ANG BAGONG BOSES NG ALAY BUHAY, MICHAEL FERMIN



Mayo 29, 2018, Quezon City -  Mula sa Alay Buhay Party List, isang maliit pero makasaysayang pagpupulong ang ginanap upang ipakilala ang kanilang bagong boses ng mga Micro-Small-Medium Enterprises (MSME) sa pagkatao ni Michael C. Fermin.

Ginanap sa Max’s Restaurant na matatagpuan sa Sct. Tuazon sa siyudad ng Quezon, ang pagpapakilala sa magiging unang representante ng party list sa darating na halalan sa 2019 sa katauhan ni Michael C. Fermin.  Naniniwala ang nasabing grupo na may angkop na kakayahan at karanasan ang kanilang napiling maging representante na syang magsisilbing boses ng grupo at ng mga negosyong nabibilang sa MSME na kategorya.


Tubong Bulacan, si Michael C. Fermin ay isang pinagmamalaki ng kanyang kinalakihang probinsya at bayan ng dahil sa kanyang 20 taon na servicio publico na nagsimula pa noong kabataan nya.  Isang pamilyado at respetadong tao, hinahati niya ang kanyang oras sa mga bagay na mahal at mahalaga para sa kanya.  Sa ngayon, isa sya sa mga director ng Poro Point Management Corporation sa La Union – isang grupo na namamahala na gawing isang economic zone ang dating base militar ng mga Amerikano.

Sa pagpapakilala sa kanya bilang opisyal na representante ng Alay Buhay, nasa kamay na ni Michael C. Fermin na ipagpatuloy ang nasimulang gawain ng nasabing grupo.  Naniniwala ang grupo na tunay ngang magiging boses ng mga MSME’s ang kanilang napiling representante para sa 2019.  Para kay Michael Fermin, ang pagbigay ng angkop na kakayahan at suporta pinansyal ay hindi sapat para maitulak ang mga maliit na negosyo sa pag-unlad kung kaya naniniwala siya na dapat ay mabigyan din sila ng angkop na kaalaman sa pagpapalakad ng tama ng isang negosyo at ano-ano ang nakalaan na tulong mula sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.

“Maraming programa an gating pamahalaan para sa mga tao na nais magkaroon o magsimula ng isang negosyo ngunit bihira lang ang nakakaalam at kumukuha nito.  Bakit?  May problema ba sa proseso? Eto ang isa sa mga gagawin ko bilang boses ng Alay Buhay Party List, ang maging susi at tulay sa mga MSME’s sa mga nakalaan na programa at patakaranng pamahalaan para sa kanila.  Hindi sapat ang bigyan na lamang sila ng kinakailangan kakayahan at panimulang pondo.  Marami ng mga nasa pribadong sector ang gumagawa nito alin sunod sa itinalaga sa kanila na pwedeng maging benipisyo mula sa pamahalaan.  Bakit ang mga malalaking negosyo nagagawa nilang kumuha at gumamit ng ibinibigay na benepisyo sa kanila ng gobyerno?  Bakit ang mga maliit ay nahihirapan?  Tamang kaalaman sa inyong benepisyo ang siyang magtutulak ng inyong mga munting kalakalan sa pag-unlad.  Ang pagtulong ko sa mga MSME ay siya ring tulong nila sa pamahalaan kung kaya makikita natin ang pag-unlad nila (mga MSME) sa pag-unlad ng bayan.” – Michael C. Fermin

Sa kanyang karanasan at nakuhang karunungan, hindi mapagkakailang tama na maging boses ng mga MSME ng Alay Buhay Party List si Michael Fermin.  Sa kanyang mga pananaw, lalawak ang mga nakasanayang  gawain ng mga tumutulong sa mga MSME, hindi lamang ng kanyang grupo.  Asahan natin ang mga gagawin niya para sa ikauunlad ng mga munting negosyong nangangarap ng malaki.