Sabado, Hulyo 18, 2020

Ano Na Ang Zodiac Mo Ngayon?



Taong 2011 ng unang sinabi na may pagbabago na sa ating kinamulatang zodiac.  Mula sa 12 ito na ay 13 kung kaya maiiba ang nakasanayan na tinitignan sa mga horoscope.  Ngayong 2020, 9 na taong nakalipas, muling lumabas ang usapin na ito para gawing opisyal na at parte ng bagong normal.


Ang OPHIUCHUS o sinasabing Snake Bearer ay sinasabing dagdag sa Zodiac Circle na kinabibilangan nina Aries, Taurus, Gemini, Cancer, Leo, Virgo, Libra, Scorpio, Sagittarius, Capricorn, Aquarious at Pisces.  Pero bago nga ba ito o dati na?  Bakit ngayon lang? Nakatago ba ito?  Paano?


Sa mga lumang listahan ng mga zodiac ay lumalabas na merong 22 na constellations and napapaloob sa grupong ito. Ang 12 na kinagisnan at ang 10 na nawala sa panahon.  Nawala sa panahon ng dahil sa nakikita sa kalangitan at ang nais na maging simple na lamang ang mga bagay-bagay.  Bakit ko nasabing maging simple?  Makikita niyo mamaya ang kadahilanan.  Heto anf sinasabi kong 10 na nawala sa history o panahon:  Ophiuchus        Eagle        Swan        Andromeda        Perseus        Orion        The Charioteer        Ship of the Argonauts        Sea Serpent        Wise Centaur.


Eto din ang kanilang cycle o sakop na mga araw at buwan:


Kung ating pagsasamahin ang mga petsa ng Lost Zodiac sa Zodiac 12, ay ito ang magiging takbo niya:



Mapapnsin na may mga zodiac na umigsi ang petsa at mayroon namang hati.  Ito ay dahil sa visibility nito sa mga nagstarcharting.  Kung inyong tatandaan ang pagbasa gamit ang mga bituin ay base sa visibility nito sa kalangitan,  Ito din ang dahilan kung bakit mas ninais na gawing 12 na  lang ito mula sa bilang na 22.  Ang tanong ngayon ay bakit sinabi na magiging 13 na ang nakasanayang 12?  Kung inyong tatandaan, nagkaroon ng orbital shift ang ating planeta ng 2011 kung kaya nagkaroon din ng pagbabago ang takbo ng panahon.  Dahil sa shift na ito, may mga dating hindi ganoon kaliwanag na constellation ang ngayon ay mas nakikita na at  mas dominant.  Isa na dito ang Ophiuchus.  Kung tama din ang aking pag-unawa sa lahat ng aking nabasa patungkol sa lumang zodiac, ito ay 24 talaga ang bilang.  Ngunit dahil sa pabago-bago ang tawag nila dito (Hal:  Owl naging Trush) kung kaya hindi talaga maisaklaro ang dalawa pang zodiac.  Kung ito ay 24 talaga, magiging balanse ito sa prinsipyong 12 kada hati ng taon.  Tulad din ito ng sa Chinese Zodiac na kung saan ang Rabbit ay nagiging Cat sa ibang bansa naman.  Bakit ngayon lang?  Dati pa ito naisabi pero may mga grupo na nanawagan na wag muna ipasok para maihanda ang mga sumusunod sa horoscope.  Sa mga lumalabas na sulatin, walang paghahanda o introduction na nagawa at lumipas ang 9 na taon na ganoon pa din ang paniniwala ng nakakarami.

Marami ang nagsasabi ng hindi ako yan, ganito ako eh dahil sa pagpasok ng ika-13 zodiac.  Hinto muna tayo.  Pakitandaan na ang zodiac ay gabay lamang at hindi talagang set in stone ika nga.  Ang personalidad mo ay personalidad mo.  May mga bagay na totoo at meron din naman na ika'y mapapatanong na lamang dahil hindi ka naman ganoon talaga,  Ano pa man ang kalalabasan ng iyong bagong zodiac, tandaan na ito ay gabay lamang.  Ikaw pa din ang gagawa ng iyong kapalaran.


*ang mga imaheng ginamit ay binuo para sa artikulong ito at sa FB Page ng Nephilim's Cove