Huwebes, Oktubre 6, 2016

Moymoy Lulumboy, May Book 3 Na!


Heto na ang hinihintay ng mga mambabasa ng Lampara Books, ang ikatlong libro/bahagi sa buhay ni Moymoy Lulumboy, ang batang aswang.  Mula sa malikahaing kaisipan nina G. Segundo Matias Jr. (may akda) at G. Jomike Tejido (may debuho), muling nabuhay at ibinabahagi sa atin ang sapalaran sa buhay ng batang aswang na si Moymoy Lulumboy.

Sa ikatlong libro na ito patungkol kay Moymoy ay makikita natin ang kanyang muling pagpunta sa mundo ng mga tibaro at ang paghahanap ng mga Ginto ng Buhay.  Sa pagkakataong ito, maraming kaganapan ang makikita sa buhay ni Moymoy – ang kanyang relasyon sa kanyang kapatid na si Alangkaw, ang kanyang pagbibinata, ang mga realidad sa mga bagay-bagay at ang paghahanap sa kanilang ina na si Diyosa Liliw.  Medyo makulimlim ang pasimula at pagtatapos ng ikatlong libro, isang bagay na kapansin-pansin sa sinulat ng may akda.  Ang pagkawala ng isang mahal o mahalaga sa buhay at ang pagpapahalaga sa mga taong nasa paligid ay pinagtuonan ng pansin sa kwento ngayon ni Moymoy.  Dati na itong napakita sa mga naunang aklat pa tungkol sa batang aswang pero ngayon, iba ang bigat na pinadama ng may akda – isang bagay sa realidad na totoo at dapat harapin ng isang tao maging ano man ang kanyang edad.

Ano ang nakakabighani sa ngayong kwento?  Una, si Alangkaw!  Alam natin, sa mga masugid na sumusunod sa buhay ni Moymoy, kung paano nagsimula ang kwento tungkol sa magkapatid.  Ang pagkamuhi ay unti-unting naging pagmamahalan at sa ngayon ay mas naging matatag dahil sa pinakitang aksyon ni Alangkaw para sa kapatid at mga tao ng Gabun.  Ikalawa, ang kakaibang aspeto ng mga Ginto ng Buhay (ano pa nga ba ang pwede niyang gawin?) at mga naging pangalaga ni Buhawan. Ikatlo, ang sikreto ng mga Apo at ang pang-apat ang nawawalang pahina sa Liya na nasa pangangalaga ni Ingkong Dakal.

Marami ang kaganapan sa ikatlong libro. Gustong-gusto ko ngayon ang guhit ni Jomike!  Very Saint Seiya inspired ang baluti nina Buhawan at Moymoy! Ang usa – ang ganda ng kanyang debuho!  Nakakatuwa at hindi nakakatakot ang itsura ni Bungisngis.  Maganda lalo ang naging samahan nila Sir Jun at Sir Jomike sa librong ito!  Ang pagpapakita ng habilin ni Marino kay Moymoy ay napakatamang pagsasalarawan ng isang nasa isip ng pinaghabilinan.  Napakaganda ng gawa ni G. Jomike!  Saludo po ako sa inyo!

Nakakatuwang mabangit ni Sir Jun ang National Museum bilang isang maaring daanan ng mga tibaro dahil para sa isang active psychic, eto ay totoo.  Ang National Museum ay isa sa mga naitayong gusali sa Maynila na parte ng psychic network ng siyudad.  Yes, it is true!  The museum is a part of a vast psychic net within the city of Manila, thus making it a key point or even a portal for some.  Hehehehe!

Muli ay natapos ko sa isang upuan ang 3rd book.  Hindi dahil sa madali syang basahin bagkus ay napakaganda niya!  Ang pacing ay tama at puno ng damdamin na sadyang mananatili kang magbasa at tapusin ito.  Kung sakaling bibitawan mo ito, mapapabalik ka para basahin muli kasi “tatawagin” ka nito (yes, it happened to me. I have to grab it back and continue reading.); ganun ang mahika o diwani ng isang malikhaing sulat.  Nahuli mo ako Sir Jun!  Ang galing ng bugtong mo! (get a copy of the book my dear readers.)


Makukuha nyo ang librong ito sa Precious Pages.  Pumunta lamang sa kanilang mga pwesto sa ilang SM Malls at enjoy the art of reading Filipino made stories!  Let us support Filipino written works and arts!